19.12.06

Christmas poem

Randomly I took a book on our bookshelf and got Tudla at Tudling of Ka Amado V. Hernandez. It is an anthology of all his poems from 1921-1970. Amazingly, his poems ring as if they were written in our times. I picked this Christmas poem for AGHAM's Christmas party.

Ang Lungkot Kung Pasko

Ngayon ay Pasko na. Aking napapansing
kung may maligaya ay may malungkot din,
may gusaling tuwa ang tumataginting,
may dampang himutok ang nakikisaliw.

Kung may masasayang nagsisipaglakad
na laging may ngiti at bago ang gayak,
marami rin namang lumuluhang magdamag
at wala munti mang ligayang nalasap.

Talagang ang bawa't isa'y may katimbang,
pagka may liwanag, may dilim din naman;
kahit na ang pasko ay ukol sa tanan,
may natutuwa rin at may nalulumbay.

Sa isang mag-anak na wala ni tutong
ang lungkot sa Pasko'y lalang buhul-buhol,
habang nag-aaliw ang tanang mayroon,
lumuluha sila sa pagkaparool.

Nakita na natin kung anong himala
mayroon ang pilak sa bawa't nilikha,
kahit alam nating ito'y parang bula
Diyos ang malimit na nakakamukha.

May kawikaan ngang naririrnig ako
na siyang lagi nang nagkakatutoo:
"Pag-may salapi ka'y maningning ang mundo,
pagka naghihirap, walang Pasku-pasko."

Disyembre 25, 1930
Amado V. Hernandez
Tudla at Tudling sa "Kalendaryo ng Panahon"
Mga arawang tula sa kolum ni Hernandez
na
"Sariling Hardin" sa pahayagang Pagkakaisa.


No comments: